Huwebes, Setyembre 29, 2011

Mga Patuloy na Hamon sa Mga Kapwa TNT

Mga patuloy na hamon sa mga kapwa TNT na manunulat: Pabasahin ang 'di karaniwang nagbabasa't akitin ang 'di karaniwang naaakit sa iyong akda; pagsipaging mangilatis ang walang sipag sa pangingilatis; pakilusin ang 'di karaniwang kumikilos; pag-aklasin ang 'di karaniwang nag-aaklas. . . At ilagay sa lugar ang mahihilig lumugar at walang pinaglulugaran.