Huwebes, Abril 9, 2015

Next Move?



Anu nga ba'ng magandang gawin? Mukhang may silent agreement na lusaw na ang membership ng grupo. Wala na rin naman kasing nangungumusta--maski ako, nalimutan nang kumustahin. May kani-kaniyang grupo na ang iba, at may ilang balik muna sa solo flight. Maghanap ba ako ng mga bagong member, o maski volunteer o contributor man lang?

Sayang din kasi yung konsepto ng isang literary support group (at sayang din yung mahigit 3000 visits na nakuhang peak nitong blog--siguro hindi lang naman kami-kami ang 3000 visits na yun), yung tipo ng grupo na tutulong punan ang kakulangan o pangangailan ng ibang grupo. May ilang writer naman d'yan na palutang-lutang--either inactive sa mga grupo nila o wala pang grupo--pero nagsusulat, o nagdodrowing pa rin. Sining-TNT nga pala kasi, kaya mas artistic support group?

Mas ayus nga siguro ang terminong volunteer. Para naman hindi magmukhang manunulot ako (imbes na manunulat) ng mga miyembro ng ibang grupo. :-)

Subukan natin...


--Aris Remollino--

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento