Masakit sa isang pamilya ang mawalan ng mahal sa buhay. May mga nawawalan dahil sa sakit. May nawalan dahil sa di maiiwasang aksidente. At may nawalan dahil inagaw ng kung sino ang mga mahal nila.
Ang panghuling pangungusap ang pinakamasaklap sa lahat ng kawalan. Mangangapa, maghahanap sa wala; walang sisimulan at walang tiyak na tapos. Hindi basta-basta na lamang ang mga pagkawalang ito dahil nasa likod ng mga ito ay ang mga demonyo at berdugong tila mga aswang na naniniktik at pataksil kung manila.
Iyan si Jovito Palparan at ang kapwa akusadong si Master Sgt. Rizal Hilario.
Insensitive, ika nga ng abogodang si Edre Olalia.
Insensitive, ika nga ng abogodang si Edre Olalia.
At tila gusto pang pigaan ng kalamansi ang sugat, sasabihin sa mga miyembro ng mamamahayag ng isa sa mga abogado ni Jovito Palparan na buhay pa daw sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.
Ngayong nalalapit na ang araw ng mga puso, huwag nating kalilimutan ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Huwag nating hayaang “Rumamona” ang mga berdugong dapat managot sa kaniyang mga kasalanan, sa mga pamilya ng kaniyang biktima, at higit sa lahat, sa taumbayan.
Narito ang mga makata ng KM64, handang tumutugis sa berdugong si Jovito Palparan. Tunghayan, at sabay-sabay tayong sumigaw: HULIHIN SI PALPARAN! PAGBAYARIN!
Basahin ang mga tula sa (PINOY WEEKLY)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento